Sa Facebook chat:
“S: Minicake!
M: Cupcake! Kamusta?
S: Okay lang! Busy ka?
M: Mejo. Bakit?
S: Pwede ka bang magsulat ng storya? Yung favorite summer experience mo? 3 to 5 paragraphs. Kailangan ko kasi sa work ko……”
Nagdalawang-isip ako. Nagulat. Hindi naman kasi ako pala-sulat. Bakasayon ngayon. Bakit ako magsusulat? At saka kakatapos lang ng thesis ko, ayoko ng magsulat pa ulit. Pero dahil minsan lang naman humiling sa akin ang aking kaibigan, bakit hindi diba? Siguro nagtataka ka, minicake? Cupcake? Ang cheesy. Pero yan ang tawagan namin ng isang mabuting kaibigan simula pa nung high school. Di ko na matandaan kung paano nagsimula pero bagay naman eh. Ako si minicake dahil maliit lamang ako at siya si cupcake dahil mas matangkad siya sa akin. Simple. Uso rin pala kasi nun yung bagong labas na mini cake ng Lemon Square.
Nakapagtataka, wala akong makwento. Di naman kasi pang summer ang naging karanasan ko nung nakaraang dalawang taon ng bakasyon. At ngayon, nagsisimula pa lang ako. Nagpaplano pa lang ako. Iniisip ko yung ibang mga tao na sinabihan ng kaibigan ko na magsulat ng kanilang kwento, siguro ang dami nilang maisusulat. Ang dame siguro nilang napuntahan dito man o sa ibayong dagat o kung san man. Nung nakaraang dalawang taon kasi, trabaho ang ginawa ko. Yung isa dahil gusto ko lang at yung isa required sa school, OJT. Ngunit naging masaya naman ako, parang pagsakay sa Banana Boat sa Bora ang naging pakiramdam ko………..
Hala! Lagot! Nakatulugan ko ang pagsusulat. Sabe ko pa man din sa aking kaibigan na ngayon ako magpapasa. Baka magalit siya sakin, wag naman sana. Nakakagutom pala ang mag-isip. Hayun! May cupcake. Ang paborito kong cupcake na cheese ang flavor. Di ko na sasabihin ang brand dahil baka kunin pa akong commercial endorser dahil kaya ko to ng tatlong kagatan.
Unang Kagat. Naisip kong ikwento ang naging trabaho ko nung nakaraang dalawang taon. Naisip namen ng kaibigan kong si Joanna na magtrabaho sa isang sikat na kumpanya. Tuwing bakasyon, may Internship Program sila para sa mga kabataan. Sinubukan naming para hindi lang kami puro pasyal, swimming at hindi lang naka-tengga sa bahay. May pera pa. Naging masaya ako dahil madami akong natutunan. Sabe ko sa sarili ko, dalawang taon pa bago ako magtatrabaho, may experience na ako. At least, alam ko na ang maari kong kahantungan pagkatapos kong makuha ang aking diploma. Masarap din palang makatanggap ng isang maliit na sobre na may lamang P1500 kada lingo. Masarap pa sa angking tamis ng mais con yelo.
Ikalawang kagat. Nais ko rin sanang ikwento ang summer ko nung nakaraang taon. OJT naman sa isang women institution. Nakakainis nung una. Bakit kailangan isingit ang OJT sa bakasyon? “Boring tuloy ang magiging basakyon ko!” winika ko pa noon. Pero kung ilalarawan ko ang karanasan ko doon sa iisang salita, wala akong masasabi kundi ang isa sa pinakasikat na salita sa Facebook, EPIC! Progresibo sila at ang pakiramdam ko’y napaka-produktibo dahil imbis na nasa dagat ako’t naka-bikini, nag susunbathing naman ako sa kalye at sinusulong ang karapatan ng kababaihan, kabataan at ng bansang Pilipinas. Na-BV nga lang ako sa aking mga magulang dahil may ilang parte silang hindi maintindihan.
Aba! Ako’y ginawan ni Mama ng Iced Tea. GV ako ngayon sa kanya. Lagok. AHHHHH! Pampadagdag gana sa pagsusulat.
Ikatlong Kagat. Ay ubos na! Sabe sayo kaya ko ito ng tatlong kagatan. Teka, teka! Akalain mong nakapagkwento na pala ako ng hindi ko namamalayan. Salamat sa cupcake na to at ako’y nakapagsulat. Sige, isesend ko na ito sa email ng aking kaibigan at baka sakaling manalo pa ako ng ipod. Hehe! ;)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.